Friday, May 4, 2007

dahil uso ang ganitong klaseng entries

Oo, yung tipong directed sa isang tao. Tapos biglang mapapaisip ka, ako ba ang tinutukoy ng uhuging ito? Tapos ang mas malala pa d'yan, pag marami siyang characters sa entry niya. Grabe na ang dramatis personae! Pipigain mo talaga utak mo at gagamitin ang lahat ng natutunang detective - este, deduction skills sa panunuod ng Detective Conan para bigyan ng mukha at pangalan ang animo'y mga espiritung binanggit sa sinabing entry.



Hindi lang nosebleed ang abot mo, pati sore eyes, brain freeze at singaw!



O sige, ngayon "gaganti" ako.



Hindi ako masaya ngayon. Sinabi ko lang, "peaceful", meaning nakita ko na ang logic sa mga payo na binigay mo, pina-memorize sa akin ng religion teacher ko, sinermon ng mga magulang ko. Alam ko kasi na may pinanggalingan lahat ng sinabi mo - dahil alam ko na ang buhay mo dahil sinabi mo, nakita ko sa mga mata mo, naramdaman ko sa mga halik mo. At dahil d'yan, mas pinaniwalaan kita.



Totoo, plano ko magbago. Nakita at naamin ko na ang mga mali sa ugali, gawain at buhay ko. Oo, malaki ang pasasalamat ko sa'yo dahil ikaw na rin ang nagtulak sa akin para baguhin ang mga dapat baguhin.



Ngunit isa lamang yung aspeto ng gusto kong pagbabago sa buhay ko. Alam mo na ang pangalawa. Tinanong mo ako - naalala mo pa ba? Di kita nasagot noon dahil totoong di pa ako sigurado sa sagot. Pero nahinuha ko rin na naiba ang ibig sabihn ng salita na yun, dulot na rin ng ibang mga natanto sa mga nakalipas na araw.



Sa susunod na magkita tayo, hindi ko nangangakong magiging masaya ako dahil ngayon pa lamang ay nagdudusa na ako. Sapat na siguro na nasimulan ko na ang pagbabago pero ang pag-iwas sa isa't isa ay pagtakas lamang sa solusyon sa isa sa aking mga problema.



At paninindigan ko ang sinabi ko. Ayokong maging kapantay lang ng ibang babae sa buhay mo, at mas lalong ayokong may kahati ako sa'yo. Sobrang sakit kahit naiisip ko lang na may iba kang kinakausap o may iba kang tinitignan. Tawagin mo na itong pagiging madamot pero sinasabi ko lang ang totoo. Tinuruan mo akong sabihin ang aking nasa isip nang walang pag-aalinlangan kaya ito mismo ang ginagawa ko ngayon.



Kaya kong isakripisyo ang bisyo ko, kung ito ang kahilingan mo. Ngunit kung ako naman ang humiling sa'yo, sigurado naman akong hindi mo ito kayang gawin. Hindi naman kasi ako sigurado sa nararamdaman mo sa akin. Oo, may pag-aalala, may pag-unawa, may pagkalinga, may kakaibang kasiyahan kapag magkasama tayo... pero may pag-ibig ba?



Yuck, parang ang korni pakinggan pero ito naman talaga ang kulang, di ba? Kung hindi mo man kayang ibigay ito, malamang hindi ko rin maiibibigay, dahil, una, matigas ang ulo ko at hindi ako nagpapatalo, at pangalawa, takot pa rin ako.



Pagtapos ng isang buwan (kung matagalan nga natin) at makita kitang may kasamang iba o mabalitaan kong may iba ka na, payn. Pinapangako kong hindi ako magiging masaya. Sinisiguro ko na sa'yo ngayon pa lang na iiyak ako, magwawala at magplaplano nang masama (na maaring hindi ko ituloy. depende sa mood ko). Alam mo na ang tinutukoy ko.



Kasi, kahit hindi man kita sinagot, ikaw bwisit ka, sana ay naisip mo na rin at naramdaman nga ng puso mo na oo, mahal na nga kita!



---



disclaimer: kung feeling mo, para sa'yo ang entry na ito, tumawag lang sa 1-800-mahal-yata-ako-ni-nicai. kapag may sumagot sa'yo, ibaba mo kagad kasi malamang minumulto ka na dahil inimbento ko lang ang number na yan



PS nakakahawa ka magsulat

3 comments:

  1. Parang si bob ong, pirata ng style!

    ReplyDelete
  2. Parang si bob ong, pirata ng style!

    ReplyDelete
  3. oo si bob ong ang tinutukoy ko ditong mahal ko. hmf.

    ReplyDelete