Nabanggit sa ika-4 na pelikula ng Detective Conan (Captured in Her Eyes) na ang mga taong lubos-lubos ang pagmamahal sa sarili ay hindi kayang magpakamatay.
For obvious reasons. Duh. Why would you kill someone you love?
Pero minsan pala, kapag kailangan, kapag dapat, kapag tama, gagawin at gagawin mo pa rin.
---
Para akong tanga. Kanina lang, ngiting-ngiti ako, tapos ngayon, umiiyak na naman. Ay mali. Hindi pala parang tanga. Parang baliw. Naalala ko tuloy yung storyang pinabasa sa amin nung 2nd yr. Yung tungkol kay love at madness. Parang legend kasi yun. Origin ng katagang "Love is blind".
Noong unang panahon daw kasi, yung tipong abstract entities katulad ng emotions ay may mga paa at nakakatakbo pa, naglaro daw sa hardin ng malayko ang mga emotions. Hide and Seek! Yahoo! Si "madness" ang taya. Eh dahil madness nga siya, sira-ulo, ayun nagwala at nahanap lahat kagad (hanggang ngayon hindi ko pa rin gets kung bakit jinustify nung author yung pagiging magaling niya sa hide and seek dahil baliw siya...) So magdidilim na, nahanap na lahat ni madness except si love.
Tapos may nag-tip kay madness na nagtatago daw si love sa rose bushes. At dahil irita na si madness, kumuha siya ng pitch fork or garden fork, pumunta sa rose bushes at pinagtutusok ang bushes. Ayun nandun nga si love! At ang malala d'yan, natamaan siya ng fork at sa mata pa! Ouch! Bulag na siya tuloy!
Nakarating sa Bathala ang nangyari at bilang parusa kay madness, hindi niya hihiwalayan si love para gabayan niya sa paglalakad, etc. In short, instant alila siya ni love.
Ayun. Nice, noh?
Naalala ko rin yung poem na ginawa ko nung second year. Eto yung first stanza:
Love is blind, and accompanied by madness
Love brings joy, but in the end, sadness...
Homangga, bata pa lang ako, ang emo ko na! Baaad.
---
Hay. Totoo pala yun. Nababaliw na ako. Tumatawa lang ako kanina pero ngayon, umiiyak na. Buti na lang hindi pa ako suicidal, kahit sinusuffocate ko kanina ang sarili ko with the uberhumunguoushugebigginormous pillow ng bago naming sofa. Hay.
Pero kaya pa naman. I'm doing this for my own good. I'm doing this for you. We're doing this for us.
Someone just has to die, ne?
Dahil alam nating ito ang kailangan, ang dapat, ang tama. Dahil kung totoong mahal mo ang tao, gagawin mo ang kailangan, ang dapat, ang tama.
Kahit ang ibig sabihin nito ay ang pagpatay mo sa kanya.
---
Umiiyak na naman ako. Considering tinutukso nila akong bato buong HS, ngayon lang talaga ako umiyak ng ganito. Para akong timang.
Gabi-gabi na lang, ganito. Kaya ayoko gumabi eh. Yun kasi yung panahon na kaklaro na ang isip mo. At dahil hindi ka na pwede magbusy-busyhan dahil pagod ka na rin, aandar na nang todo ang utak mo. Mapapaisip ka na nang sobra. Yung mga iniwasan mong isipin ng umaga, yung mga pilit mong tinatabunan ng trabaho sa hapon, lalabas na.
Pero dahil madilim rin ang gabi, wala ka na rin masyadong nakikita. Wala na rin masyadong nakakakita sa'yo at sa ginagawa mo. May kalayaan ka nang ilabas ang mga luha na sinubukan mong ipiid gamit ang mga tawa mo.
Kaya gusto ko rin kapag gabi na. Kasi pwede na ako umiyak.
No comments:
Post a Comment