There was a time na friendster blogs ang buhay ko. Dito ako nakakapagemote, nakikipagcommunicate at kung anu-ano pa.
Pero nagbago na ang ihip ng panahon. Dumating ang mga stalkers, ang mga nanguusisa at bigla kong nahinuha na di magandang venue para maglabas ng sama ng loob ang blogs dito. Marami kasing nagbabasa. Nagugulat na lang ako.
Ang hirap talaga pag pagmamay-ari na rin ng publiko ang buhay mo.
Wala lang. Paranoid lang.
Malapit na ako maging ligal. Di ko alam. At least, ganap na tao na ako. Naranasan ko na bumagsak, masaktan, magmahal, bumagsak, uminom, bumagsak, maliwanagan tungkol sa iba't ibang aspeto ng buhay, bumagsak, maging prof sina Chua at Avecilla, bumagsak, gumawa ng sandamukal ng films, bumagsak, gumawa ng sexy vid, bumagsak, bumagsak at bumagsak.
There. Hahahahaha!
Mahal ko ang mga kaibigan ko. Ergo, invited kayong lahat sa debut ko. *ngiti*
No comments:
Post a Comment