Thursday, October 18, 2007

bakit ba naman kasi

Lechugas.



Bakit ba kasi napakatelenovela ng buhay ko? Telenovelang napakataas ng ratings! Shooocks. Sinisingil na naman ako ng mga kalokohan ko.



For the first time in my life, sinubukan ko maging iresponsable. Cut me some slack. Gahd! Testing lang naman. Oo, mas gusto ko rin kung ano ako dati at kung paano ako mamuhay. Pero dahil sa mga napagdaanan ko, lumawak din ang perspektibo ko sa mundo. Mas naramdaman kong buhay ako, mas natuto ako.



Tumatanda na ako. Alam ko pa rin ang ginagawa ko. Sa mga mapanghusga, wala akong pakialam sa mga iniisip niyo. Responsibilidad ko ang sarili ko at hangga't naniniwala ako sa mga pinaggagawa ko, paninindigan ko ito.



Oo, magulo ako at magulo rin ang buhay ko. Pero I wouldn't have it any other way. Sari-sariling trip lang yan. Okay? Wala akong inaaway, ayt? Peace tayong lahat :D

No comments:

Post a Comment