Ang oras di lang tumatakbo, paminsan-minsa'y napagtritripan na rin nitong mandaya - kaya lagi na lang ito nananalo.
Ang mga pagkakamali, tumatambak na.
Ang mga araw, di na pwedeng balikan.
Ang mga gabi, di na pwede ibalik.
Ang mga ngiti, mahirap takpan.
Ang mga luha, mas magandang pagmasdan matuyo.
At para mawala ang luha, mga luha rin ang pinanghuhugas.
Dahil magulo na.
Dahil wala ng nakakaintindi.
Malamang, pati na ng Diyos.
No comments:
Post a Comment