Monday, September 3, 2007

aksidente

Di ito inaasahan at di ito ginugusto.



Sabi ng iba, tulak din daw ng tadhana. Sabi ng iba, may dahilan, may sanhi at bunga.



Pero parang ang gulo di ba? Pano mo malalaman kung aksidente o tinadhana ang isang pangyayari?





Tsaka lahat ba ng aksidente ay di maganda? Pano kung sa huli'y ginusto mo na ito at inisip na maaaring gawa na ito ng tadhana?





Pero paano rin kung ayawan mo na ito? Paano kung napagisip-isip mo na di talaga nabibilang sa buhay mo ang aksidente at hanggang aksidente na lang ito?





Paano kung naulit ang aksidente? Aksidente pa rin ba ang tawag dun o katangahan na?

No comments:

Post a Comment