Dahil masaya mabuhay.
Dahil marami akong pinagsisisihan sa mga ginawa ko.
Dahil ang mga katagang "it's too late" ay di lang para sa mga hospital drama.
Dahil natatanong ko sa sarili ko kung bakit di na lang parang dati.
Dahil sana nakokontrol ko ang apoy at kadiliman.
Dahil gusto ko mambura ng mga tao sa friends' list ko.
Dahil unti-unting nasisira ang buhay ko.
Dahil sanay na ako sa ganitong pagtrato kahit alam kong di dapat ako ganito tratuhin.
Dahil gusto ko lang.
Dahil ang kapatid ng dagang si Yuki na si Yuko ay pumasok sa kwarto.
Dahil sumasakit uli ang tiyan ko.
Dahil alam kong mag-uusap na naman kami ni Lord mamaya at magsisimula ang paghagulgol ko sa kanya ng "Lord, di ba..."
Dahil wala ako sa mood pumasok bukas kahit alam kong kailangan.
Dahil ayoko na ever pumuntang CMC library dahil sawa na ako maghintay dun.
Dahil kung anu-ano uli ang pumapasok sa isip ko.
Dahil gusto ko mawala ng ilang linggo, para hanapin ako ng mga tao kung hahanapin nga nila ako.
Dahil ang tanga-tanga ko.
Dahil nakakarma ata ako.
Dahil naasar ako sa'yo at sa kanila.
Dahil naasar ako sa sarili ko.
Dahil andami kong pinapasaya kahit ako gusto ko na talaga umiyak.
Dahil gusto ko matulog at hindi na gumising.
---
Paano kaya pag hindi na nga ako magising? Ano kaya gagawin mo? Laging mong tinatanong sa akin kung ano ang gagawin ko kung bigla kang mamatay. Dahil sinubukan mo, alam mo na ang sagot. Ako kaya, subukan ko?
Ako naman kaya ngayon?
No comments:
Post a Comment