Bakit ka na naman umiiyak? Kaw talaga oh! Ayan ka na naman eh. Pero sige, labas mo lang yan. Kesa naman mabigat na naman yung nararamdaman mo at nakatulala ka na naman sa kawalan.
Buti na lang at sabi naman ng mga tao ay parang wala lang daw sa'yo. Kung alam lang nila... Haaay.
Ayokong nakikita kang nasasaktan. Karapat-dapat kang maging masaya. Marami kang napapasaya. Dapat ikaw din.
Ayos lang naman siguro kung hindi mo pa alam ang gusto mong mangyari. Ayos lang naman siguro ang maguluhan. Ewan, di ako nasa kundisyon para payuhan ka. Ako rin kasi naghihirap. Pero kahit naghihirap, eto pa rin, pinapasaya ka.
Ayos ka naman dati, di ba? Parang ganun lang, parang dati...
Ah, oo nga pala. Hindi ka rin masaya nun.
Ano ba kasi ang magpapasaya sa'yo? Wag mo sabihing sya. Nakakatakot kung iaasa mo ang kaligayahan mo sa isang tao. Bakit mo ba kasi kinalimutan yun?
Pasensya na at marami pa akong tanong, kitang ganyan ka.
O, tahan na. Kahit papano, siguro, mas magiging masaya ang bukas.
No comments:
Post a Comment