Sunday, November 12, 2006

UP enrollment checklist

UP Enrollment Checklist (What to bring, tips, etc.)





Iba talaga ang UP reg experience! So in the spirit of reg/enrollment week, ito ang naihanda kong tips para sa mga future isko at iska! Based from experience ito at wag niyo ako idedemanda kung may pumalpak o napahamak kayo sa mga suggestions ko. Aba, choice niyo kung susundin niyo ito!





What to do the day before:



  • Ihanda ang bag (may what to bring mamaya...teka..)


  • Magdasal “Lord, sana, at most, 5pm ako matapos… sana po wag ako pulikatin kakapila”


  • i-check ang mga na-approve na subjects ng CRS (para alam mo ang mga I-mamanual mo o icacancell mo di ba?)


  • i-scan ang course outline (para alam ang mga pwede pang kunin na mga subjects in case di natupad ang lahat ng kukunin mo fr this sem; in short, alternatives)


  • magpractice ng smile para kung charms na lang ang natitirang paraan, gamitin!!!


  • Alamin kung cleared ka ba last sem. Like, kung nasubmit pa mga necessary papers for you to enroll this sem (eg transcript o form137 ng skul mo dati) kasi kung hindi, takbo na sa OUR o admin ng bldg concerned!


  • Magbasa ng hand-outs about reg process o magpa-pa-advise sa mga upperclassmen friends (what to expect, ano2 dapat dalin? Magpa-crash course about reg/enrollment process at mga bagay tulad ng change/add mat)


  • Familiarize self with the different kinds of forms (Form5a, form5, form 4, form 6, form-ula, etc)


  • Alamin kung sino ang adviser (duh. Obyus ito kung bakit)


  • Magpahinga! (Takbuhan bukas ito at pahirapan bukas kaya sulitin na ang tulog!)


  • Uminom ng energy drink o multivitamins (ito meron ang taong happy sa reg!)


  • Makipag-organize sa block o friends sa ibang colleges at magplano (effective to pramis. Mag-assignan na kayo kung sino2 ang pupunta sa bawat building to report about status of enlistments pag manual enlistment and drama niyo)


  • Prepare ang isusuot na damit kinabukasan (kailangan comfy at tipong makakatakbo ka)


  • Text/greet everyone good luck (maniwala tayo sa good karma!)




What to bring naman!



  • Extra shirt, towel (gusto mo bang lumagkit ka? Ako ayoko.)


  • Medicine (painkillers, energizer, gamot kung may ubo/sipon, betadine o band-aid at inhaler kung may hika at ferrous sulfate kung anemic. Aatakihin at aatakihin tayong lahat nito)


  • Kikay kit (don’t forget this! Para naman ma-referesh tayo every once in a while di ba? Tsaka what if makabangga mo crush mo?)


  • Dating form5 (lalo na pag ngayon mo pa lang kukunin ang mga class cards mo)


  • ID (ay nako! Wag ito lilimutin!)


  • ID strap (preferably kasama sa ID, di ba? May mga buildings na di nagpapapasok ng mga walang strap na ID)


  • Class cards (lalo na pag may prereq ung class na kukunin mo ngayon)


  • Extra copy ng course outine


  • Umbrella (sobrang init, kapag umulan)


  • Jacket (wala lang. For more. What if airconed ang classroom na hinihintayan mo for enlistment? What if super lamig? Eh di nanigas ka? Or what if nasira umbrella mo at umuulan?)


  • extra footwear (bahala kayo kung san kayo kumportable. May posibilidad na malaspag ang suot niyo kakalakad kaya buti nang manigurado)


  • clearance slip (kung di mo pa nasusubmit sa admin)


  • pera (duh. Malamang. Pang-matrikula, pang-lunch at merienda, pang-transpo. Kahit iskolar tayo ng bayan, di ibig sabihing libre lahat noh!)


  • cellphone (for communication purposes at para madali I-contact ang blockmates at friends sa status nila tipong, “uy! Anjan ka sa gym nagyon? O ano? May slots pa ba? Marami pa?” kasi kung wala na, e di magsasayang ka lang ng oras mo pagpunta dun. At least forewarned ka na.)


  • gameboy, ipod, mp3, libro, crossword puzzle, coloring book (mga panlibang) kasi maiinip at maiinip ka kakahintay *ehem * assessment * ehem*


  • bote o jug ng tubig (for obvious reasons… makakatipid ka pa!)


  • pagkain (mga mabibigat na snack like packed sandwiches o box ng crackers) dahil di mo alam baka abutin ka ng lunch sa pila o kaya nama’y abutin ka ng gutom walking from one bldg to the other


  • common sense at presence of mind (wag itong kakalimutan sa bahay!)


  • optimism (wag mawalan ng pag-asa!)


  • kendi (baka mahilo ka! O mahilo ang kasama mo! Gusto mo ba ng may bubuhatin?)


  • bomba. Oo ung sumasabog! Para pag desperado ka na, magpaka-terorista ka! “ILABAS NIYO NA ANG NA-ASSESS NA FORM5 KO/ ISIKSIK NIYO NA AKO SA KLASE NA YAN! KUNDI, PAPASABUGIN AKO ANG BUILDING NA ITO!” mwahaha. Joke lang.


  • patience (dahil sa pila at oo, nakakabadtrip ang pag-prioritize sa tri-coll students pero matuto tayong magtimpi. After reg na lang natin batukan ang mga yan… hehe…)


  • ballpen (siguraduhin may tinta!) dahil marami tayong I-fifill-out na forms!


  • Watch (para mindful ka sa time at di ka abutan ng closing!)


  • Your sweetest smile and convincing powers (lalo na kung magpapa-pag prerog ka!)


  • Respect and politeness (wag naman kalimutan magpaka-polite at irespeto ang mga nag-eenlist at ang adviser at ang mga tao sa admin at SC. Tao rin ang mga yan, at kung pagod ka, pagod rin  sila. The least you can do is be nice to them. Sige ka, baka kung ano gawin niyan sa form mo!)


  • An open mind (tanggapin din ang pagkatalo. Tanggapin ang di-mapaliwanag na pag-prioritize sa tri-coll students. Tanggapin na pwede ka abutin ng tatlong araw.)


  • SARILI!!! Bawal ang proxy! Haha!




What to do after reg/enrollment 



  • I-memorize na ang schedule, alamin ang rooms at mag-isip na ng ruta at para rin malaman mo na ang breakmates mo!


  • Kung kulang ka pa ng units – hala! Mag-ready na for prerog! Magtanong2 kung ano2 ang mga subjects na pwede mo pa pasukan (usually may mga sumusulpot pa rin na mga bagong klase sa CRS) at kung sino2 ang mga mababait na prof na tumatanggap ng prerog


  • Change/add mat angdrama mo? Alamin ang proseso at asikasuhin na ang mga forms!


  • Nalaman mo ba na di mo na classmate ang crush mo? Aba’y magluksa na. Haha. Joke.


  • Check sa CRS kung sino ang prof mo (may sched dun na nakalagay kung sino ang prof per subject at class)


  • Kung alam mo na mga prof mo at may kilala kang naging prof un dati, hiramin na ang notebook/readings nila at magpa-advise ukol sa teaching style, etc. para prepared di ba?


  • Bumili na ng school materials (the usual, notebook, yellow pad) at ibase sa mga requirements na alam mo kailangan sa klase mo (eg SLR cam sa film110 o mapa sa Geog)


  • Magdasal. Napaka-unpredictable pa rin sa mga first days kaya ipasa-diyos na lan natin.


  • WAG WALAIN ANG BAGONG FORM5! DUH!




So ayun. Guideline lang siya, actually pero more or less helpful talaga pag prepared. Oo exciting ang maskipaps lifestyle pero sa huli, hindi guaranteed na maayos ang magiging daloy ng reg mo. Mas mataas pa rin ang chance na magiging mas tolerable ang reg experience pag prepared di ba?

2 comments:

  1. nalala ko lang nung nabasa ko ung what to bring...hehe
    napigtas nga ung slippers ko nung 2nd day ng enrolment!haha and i had to buy a new pair sa as walk...hehe

    ReplyDelete