Kasi you can never say too many thank yous.
Ayun salamat to everyone who greeted! Be it here sa multiply, sa facebook, sa plurk, sa friendster, sa.. iba ko pang account online, sa personal. Maraming salamat po sa pag-alala. At sa mga hindi, may bukas pa kayo. Haha jk!
Pero gusto ko rin mag-thank you sa lahat ng tao na nakasalamuha ko at naging parte na ng buhay ko, maliit o malaki man ang papel na ginampanan ninyo. Salamat sa pagtitiyaga sa akin, sa pagpapatahan sa akin pag umiiyak na ako, sa pagpapatawa sa akin kahit masakit na tiyan ko kakatawa, sa pagdamay sa kung anu mang kabaliwan na pangtritrip sa mga tao ang naisipan ko, sa pagsalba sa akin pag may emergency ako, sa pagtulong uli kung may kalokohan man ako, tsaka... lahat na! Haha!
Salamat lang talaga. Sobrang napapahalagahan ko na yung mga pakikipag-ugnayan ko sa mga tao ngayon.
Sa mga STC friends, wala talaga kayong kapantay, mapa-GS ko pa kayo kilala o solid iv5, I think kayo talaga yung mga taong nakakakilala kung sino ako hehe :p tsaka yung mga simulain ko sa sining ng kalokohan bwahahaha! Sa mga kaibigan ko sa peyups, grabe iba kayo. Kayo yung mga tao na saya kasama. Kahit walang alkohol o droga, yung mga konbersasyon at mga katatawanan lang, solb na. Salamat sa pagdamay sa akin sa acads hehe. Sa mga katrabaho ko, di man tayo laging nagkikita ngayon, di naman ako nakakalimot. Come production time, bawi tayong lahat! Syempre parte na ng katauhan ko ang pagiging parte ng KNN. Pinapangako ko naman na pagbubutihan ko ang mga naiatas sa akin. Sa mga bagong kilalang friends, more memories to create sana! Sa mga orgmates, pagbutihin natin ang susunod na semestre! Success talaga tayo this sem! Go lang ng go! Batchmates sa journ, sabay-sabay sana tayong grumaduate! Web team, umariba lang din tayo next sem. Sa inyong lahat talaga sobrang salamat! May parte lahat kayo sa buhay ko tsaka pakiramdam ko may isang aspeto ng personalidad ko na nabuo dahil nakilala ko kayo. Salamat talaga sa pagsalo sa akin pag napapraning lang ako o tipong hatinggabi ako tumatawag tas pinapapunta ko kayo somewhere. Salamat lang talaga! Mga tunay na kaibigan kayo!
Sa pamilya ko, salamat din. Di naman kasi ako tao pag wala akong magulang in a bological sense di ba? Sa mga lola at lolo ko kahit di nila to mababasa, salamat sa pagsundo sa akin sa BK araw2 haha. Sa mga tito, tita, pinsan ko, salamat kasi kayo rin yung natatakbuhan ko pag may isyu ako sa buhay haha. Kina Nino at Nicko, salamat kasi kahit lagi ko kayo inaalaska di niyo pa naman ako kinakaila haha. Go lang sa girls. Shet nagmamature na kayo. Kina mama at papa, alam kong di maayos mga bagay sa atin pero subukin sana nating magkaayos.
Sa mga celestial force/s that govern life, sorry po at may isyu pa ako. Pahingi pa po ng oras para makapagisip-isip ako at mareconcile ang mga bagay na mareconcile. Nahihirapan po ako kaya tulungan Niyo po sana ako.
Syempre, kay Gelo, salamat nang marami sa mga pagbabago sa buhay ko. Salamat at andyan ka, salamat sa ating samahan, pag-iibigan, kulitan, takutan, dramedy at mala-teleseryeng buhay bilang magkasintahan. (Shet ang hirap mag-Filipino) Gusto ko pa rin isipin na ikaw yung nagligtas sa akin. Mahal na mahal kita :D (Haha nandun sa isa pang blog entry yung prequel kasi nito)
Ano pa ba? Ah syempre, dear Nicai, OMG, 19 ka na. Like, wtf. Tumatanda ka pala. Hahaha! Happy birthday sayo! Salamat sa lahat ng magandang katangian mo bilang tao. Mahaba ang listahan at sabihin ko na lang sayo personal :p Sana lang alagaan mo pa yung katawan mo. Wag masyado i-haggard. Para naman 19 ++++ years to live and love to live ka pa, di ba? Bongga.
Happy birthday me! Thank you sa lahat!!! :D
No comments:
Post a Comment