Saturday, August 25, 2007

dahil pag stressed ka daw

Marami kang ginagawa. Magkagalit kayo ng laptop mo dahil di nya marecognize ang wifi sa bahay nyo. Oo, hotspot ang bahay nyo pero kahit ganun, biglang umepal ang laptop. Tapos ang dami mong groupworks at puro majors ka ngayon. Yung nag-iisa mong GE ay parang major na rin bilang 3 hours sya. Naka-ilang absent ka na rin sa terror mong prof. Ang daming trahedyang nangyari sa mga nakalipas na araw at higit sa lahat, hindi na normal ang sleeping pattern mo at kinakatulugan mo ang lahat ng katext mo.



Eto pa...



Hindi mo pa tapos ang fanfic mo at galit na ang readership mo.



Naasar na ang manager mo dahil isang buwan ng delay ang script mo.



Nag-back-out ang interviewee mo.



Laging sumasakit ang batok mo.



... Ano ang solusyon dito?



MANUOD NG HAIRSPRAY! :) At magpakaligaw ng ilang araw sa piling ng mga taong tunay mong mahal *ngiti*ngiti*



Mahal ko ang mga kaibigan ko! Etong post na ito ay para sa inyo. Di ko na kayo kailangan pangalanan. *kindat*

No comments:

Post a Comment